Atty: Gilbert M Dela Cerna: Ang iyong kinabukasan ay naka-depende sa iyong behavior online
Isinulat ni MATEMATIKA | LATHALAIN

Sa modernong mundo na binubuo ng social media kung saan mas napapabilis ang interaksyon, mas napapadali din ang pagkalap ng maling impormasyon. Walang taong ligtas mula sa banta ng cybercrime o ang mga ilegal na aksyong ginagawa gamit ang iyong mga digital na gadyet.
Ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong mga abogado tulad ni Atty. Gilbert M. Dela Cerna na handang magturo at gumabay sa mga vulnerable na mga kabataan mula sa bitag ng cybercrime. Sa isang panayam sa kaniya sa press briefing sa 2026 Regional Schools Press Conference (RSPC) ay tinukoy niya na ang pangunahing rason ng cybercrime ay ang hindi pagseseryoso ng karamihan sa mga ginagawa at pino-post online.
“Your future depends on your digital behavior,” pagbigay diin pa ng abogado.
Ito’y isang babala lamang na ang pag-post at pag-comment online ay kailangang seryosohin sapagkat ito’y repleksyon din ng kinabukasan natin.
Nagbahagi rin siya ng sariling niyang karanasan ukol sa isyu, “Marami akong mga accounts online na Gilber Dela Cerna ang limalabas ngunit hindi naman ako.” Bagama’t wala naman daw itong mga post na maaring makasira sa kaniyang reputasyon maari pa rin daw itong maka-mislead.
Ang kanyang ibinahagi ay isang palatandaan lamang na kahit abogado ay walang takas sa ganitong isyu.
“Na-report ko naman na pero andoon pa rin talaga, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mabura ‘yon,” saad pa niya.
Sa pagsulong niya at pagtalakay sa isyung ito ay mas manumumulat ang kabataan ukol sa bantang dala ng cybercrime.
Ang pagbigay diin niya sa responsableng pag-post ay magbubukas ng mata ng kabataan na kailangang mag-take accountability sa ginagawa at pino-post upang hindi mahulog sa bitag ng krimeng ito.
