Aksyon laban Molestasyon

Isinulat ni MATEMATIKA | LATHALAIN

Hindi na bago sa atin ang makarinig ng salitang “Cybercrime,” ito’y lalong-lalo na sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Isang isyung patuloy ang pagtaas ng pagdami ng mga tao online.

Ayon kay Atty. Gilbert M. Del Cerna, pito sa kada sampung mag-aaral ang nabibiktima ng krimen na ito. Isang nakababahalang pagtaas dahil sa rami ng kabataang nasasangkot.

May batas republikang inilunsad upang mabigyang proteksyon ang mga walang kalaban-laban. Ito ang mga paraan upang mabigyang aksyon ang molestasyon;

Iulat ang Pag-abuso

Kapag ikaw ay nakaranas ng pangaabuso online kailangan isumbong mo ito sa kinauukulan upang matigil at mabigyan ka ng karampatang solusyon upang maiwasan ang molestasyon.

Ang hakbang na ito ay makatutulong upang matakot ang mga taong may balak gumawa ng masasa at hindi ka malagay sa alanganin.

Sa pamamagitan nito, mapapanatag nito ang iyong loob dahil alam mong may proteksyon ka at hindi ka nag-iisa.

Tumawag ng Tulong

Kapag hindi pa natapos at natuldukan ang mga banta, maari kang tumawag ng tulong sa iyong pamilya, kaibigan at higit sa lahat kapulisan.

Hindi mo mag-isang laban ang suliraning ito dahil may mga batas tulad na lamang ng RA 10175 na pro-protekta sayo laban sa banta ng cybercrime.

Pumunta sa Kinauukulan

Huwag ipagsawalang bahala kung hindi pa nawawala ang banta.

Pumunta agad sa pulisya upang isumbong ang isyu at magkaroon ito ng rekord sa prisinto at upang mapadali na lamang ang pagpataw ng kaso.

Malaki ang ambag ng teknolohiya sa pagpapabilis ng mga bagay ngunit madali rin ang pag-aabuso rito. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito mapipigilan mo ang banta sa seguridad mo.