HALAGA NG KALAYAAN

Presyo ng Pag-aabuso

Isininulat ni MATEMATIKA | LATHALAIN

Sa bawat hakbang tungo sa pagbabago, may kapalit na bayad ang pag-asenso. Isang halimbawa nito ay ang paglago ng teknolohiya dahil kaakibat ng kalayaang naibigay nito ay ang matinding kabayaran kapag ito ay naabuso.

Ayon sa isang panayam kay Atty. Gilbert M. Dela Cerna sa isang press briefing na ginanap sa 2026 Regional Schools Press Conference (RSPC), isinaad niyang pito sa sa kada sampung mag-aaral ang nakararanas ng cybercrime sa bansa. Ang suliraning ito ang dahilan ng mas pinaigting na pagpapatupad ng Batas Republika 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012. Kautusang naglalayong matuldukan ang mas lumalalang problema sa seguridad ng online.

Isa ang Gold medalist na si Zyan Cabrera sa nakaranas ng krimen na ito. Biktima siya ng puwersang pagpapakalat ng malalaswang kontent online. Pinakalat ng kanyang dating karelasyon ang kanilang bidyo sa internet dahilan ng pagbatikos sa kanya at paglagay ng lamat sa kaniyang reputasyon.

Misyon ng Batas


Ang RA 10175 na ito ay naglalayong protektahan ang mga mamamayan mula sa lumalalang banta ng cybercrime o ang ilegal na mga gawain na ginagawa gamit ang telepono, mga computer at iba pang mga digital na kagamitan.

Sa ilalim ng batas na ito ay naparurusahan nambu-bully at nangmomolestya online, mga akusasyon na maaaring makasira sa reputasyon, hacking, identity theft o pagnanakaw ng pangalan ng iba at higit sa lahat ang cyber sex.

Kasabay ang Department of Justice (DOJ) at ang Philippines National Police (PNP), mas pinaigting pa ang kampanya kontra sa mga krimen na ito. Ito’y isang palatandaan lamang na hindi biro at maliit na bagay ang paggawa ng mga gawaing ito at maari pang mailagay ang iyong kinabukasan at buhay sa alanganin.

Kapalit ng Kalayaan


Ang kalayaan ay isang kapangyarihang taglay ng mga mamamayan ngunit kung hindi rin maayos ang paggamit nito ay nawawalan rin ito ng saysay.

“Freedom online comes with responsibility,” pagbigay diin pa ni Dela Cerna.

Bagama’t mayroon tayong batas na may kakayahang promotekta saatin laban sa banta nito, hindi pa rin nito kayang kontroling ang persepsyon ng tao. Nasa ating mga kamay kung papaano natin ito gagamitin, para ba sa sariling kabutihan o bitag na dadala sa ating kahihiyan.

Tulad nga ng nangyari kay Cabrera, matapos niyang masungkit ang gintong medalya tila ay nagiging kahihiyan pa ito para sa kaniya. Ito’y isang salamin lamang na ang kalayaan ay maaaring nagamit kontra sa atin kung hindi nagamit ng mabuti.

Matibay na Proteksyon

Sa pag-usbong ng internet sa pag-ikot ng ating mundo, responsibilidad ang kailangan upang hindi mahulog sa bitag nito. Ang RA 10175 ay nagsisilbing proteksyon lamang ngunit hindi nabubura ang mga isyung iyong natanggap online.

“The internet does not forget,” wika pa ni Dela Cerna.

Ang batas ay may kakayahang magparusa ngunit hindi ka nito maisasalba mula sa bangin ng kahihiyan. Ang istorya ni Cabrera ay isang babala lamang ng banta ng isyung ito, hindi natin makokontrol ang takbo ng internet ngunit hawak natin kung papaano ito gagamitin. Ito ang halaga kapag hindi itinuring ang kalayaan bilang mahalaga.