Kahalagan ng komunikasyon, wag kalimutan

Isinulat ni ARALING PANLIPUNAN | ISPORTS

Hindi ito panalo ng isa, kundi panalo ito ng apat na pusong sabay tumibok sa bawat baton pass, ngunit papaano mo ito makamit kung ang koordinasyon ng buong koponan ay lubusang nagdurusa nang dahil sa hindi pagkakaunawaan. Sa isang paligsahan ng 2023 SEA GAMES 4×400 mens relay final, masisilayan ang palyang pasahan ng tubo.

Labis kong nadama ang panghihinayang matapos malaman na sa isang pagkamali lamang ay nagresulta na ito sa pagkabura mga pangarap ng atleta. Makikita na dikit lamang ang naging paligsahan ng mga manlalaro,

Ang pagkakasundo ang magiging pundasyon ng isang mabuting pag-alagwa, lalong-lalo na pagdating sa larangan paligsahan.

Sa isang isport na  Philippine Men’s 4x400m Relay Team ay nagsisilbing buhay na patunay na ang tunay na lakas ay hindi nagmumula sa iisang pares ng binti, kundi sa pagkakaisa ng apat na pusong tumitibok para sa iisang layunin.

Ang kanilang makasaysayang pagbawi sa gintong medalya noong 2023 SEA Games na tinapos ang isang dekadang pagkauhaw ay hindi lamang isang tagumpay sa scoreboard. Ito ay isang masterclass sa kooperasyon at tiwala.

Masisilayan sa huling sagupaan ang isang pagkamali ng miyembro ng Thailand na naging rason ng kanilang pagbagsak nang dahil lamang sa pagkaroon nila ng problema sa pagpasa ng baton. Isang pagkakamali ang nagbukas ng kanilang pagbagsak.

Kung saan ang bawat pagsalin ng baton ay simbolo ng pagpasa ng responsibilidad at pananalig sa kakayahan ng kasama. Sa loob ng track oval, ipinakita nina Umajesty Williams, Michael del Prado, Frederick Ramirez, at Joyme Sequita na ang 0.01 segundong pagkapanalo laban sa higante ng Southeast Asia ay hindi tsamba, kundi bunga ng libu-libong oras ng pagsasanay na nakaugat sa malasakit sa bawat isa.

Hindi lamang nila nalampasan ang kanilang mga sarili, kundi binigyang-pugay rin nila ang legasiya ng mga naunang atletang Pilipino. Ang tagumpay na ito ay isang paalala sa bawat tagamasid na sa gitna ng matinding kompetisyon, ang disiplina at pagkakaisa ang pinakamabisang sandata.

Ang kanilang pagtakbo ay nagsisilbing inspirasyon na walang anumang pader o record ang masyadong matayog para hindi gumuho, basta’t mayroong apat na taong handang magsakripisyo ng pansariling katanyagan para sa dangal ng bandila.

Sa bawat yapak at hingal, ipinauukit nila sa ating kaisipan na ang pinakamabilis na paraan tungo sa tagumpay ay ang pagtakbo nang magkakasama.