Para sa Bayan

Isinulat ni ARALING PANLIPUNAN | ISPORTS

Hindi lamang medalya ang kailangan patunayan pati na rin dangal ng bansa ang kanilang tinatakbuhan. Takbong may patutunguhan, takbong may paroroonan. Higit sa pagtakbo ang kanilang kailangang isagawa, pagwagayway ng ating bandila nang may pusong makata. Sa isinagawang men’s relay 4×400 relay finals ng 2023 SEA GAMES na nangyari sa Phnom Penh, Cambodia lumahok ang ating pambato na sina Frederick Ramirez, Umajesty Williams, Joyme sequita at Michael Carlo del Prado.

Pagtakbo sa paligsahan sa Cambodia, kanilang tinalo ang Thailand sa pamamagitan lamang ng 0.01 segundo (3:07.22 vs 3:07.23). Ito ang unang ginto ng Pilipinas sa event na ito mula noong 2013, na nagtapos sa isang dekadang pagkauhaw sa kampeonato.

Bawat manlalaro ay naging parte ng matinding bakbakan Remirez na tumakbo sa krusyal leg ng paunahan, Willian na buong husay na inakay ang koponan upang maungusan ang panghuling manlalaro ng Thailand, Sequita na namuno sa hudyat ng pagkawagi at ang panghuli si Prado na pinatunayan ang kasaysayang repustasyon sa naturang paligsahan.

Sa kabilang banda, kilala ang mga Pilipino sa bayanihan at hospitality lalong-lalo na pagdating sa pagiging masayahin at palakaibigan.

Kung kaya’t nararapat lamang na ang mga paa ay nakaapak pa rin sa lupa , sa kabila ng bilang ng mga medalyang nakasabit sa leeg. Hindi lamang panalo ang dapat layunin, kundi panatilihin ang reputasyon, kahusayan at pananaw para sa mga Pilipino.

Karamihan sa mga atleta kapag nakatungtong na sa mataas na antas ng kompetisyon ay lumalaki ang ulo, nakakalimutan na ang susi sa totoong pagkapanalo ay ang mabuting pag-uugali at respesto na nararapat na kamit.

Bahid ng dungis sa ating bandila ang iyong ipipinta kung mananalo ka, sapagkat nakakahiya naman ang asal at kaugalian na iyong pinapakita.

Sa kabila ng mga hamon na kanilang tinahak sa daan, patuloy silang lumban at hindi napatalo rito. Sa bawat padyak na kanilang pinapakawala ay ang dedikasyon na maitangal ng parangal para sa bayan at bawat tulo ng pawis sa bakas ng mukha ay implekasyo ng kanilang pagsusumikap upang muling makabawi.

Tayong lahat ay may minimithing pangarap na nais marating ngunit kaakibat nito ang aksyong pagsagawa upang maabot ang mga hangarin.

Hindi ito pareho sa social media, na sa isang pindot lamang ay makukuha na lahat ng mga pangangailangan. Upang matugunan ang iyong kakulangan, matinding paghahanda at pag-eensayo ang iyong nararapat na harapin.