SUMIKWAT SA KISAPMATA

Team Philippines  nalusutan ang kalaban sa huling sandali; nakatakas sa 1,100 of a second ng SEA GAMES men’s relay

Isinulat ni ARALING PANLIPUNAN | ISPORTS

HULING SEGUNDO. Naisahan ng Pilipinas ang kanilang mga katunggali sa 2023 SEA GAMES


PAHAPYAW NA DETALYE

  • Sa pagsimula ng kakera pinangunahan na agad ang mga Pinoy sa pamumuno ng labanan.
  • lumaban at nagtagumpay, mula sa pagkatalo noon, ngayon ay nagbabalik na may gintong pagtatapos.
  • Pambato ng Pinas naitawid ng ang panalo sa manipis na agwat,0.01 na oras

Pambato ng Pinas naitawid ng ang panalo sa manipis na agwat, 0.01 na oras, sa kasagsagan ng 2023 SEA GAMES 4×400 meter men’s relay finals na idinaos sa Cambodia nitong ika-12 ng Mayo.

Pinoy pride. Pilipinas muling bumangon matapos bumigo noong nagdaang taon para sa 2021 SEA GAMES na ginanap sa Hanoi, Vietnam nang hindi makapag- uwi ng medalya, lumaban at nagtagumpay mula sa pagkatalo noon, ngayon ay nagbabalik na may gintong pagtatapos.

Pambato ng Pinas naitawid ng ang panalo sa manipis na agwat,0.01 na oras, sa kasagsagan ng 2023 SEA GAMES 4×400 meter men’s relay finals na idinaos sa Cambodia nitong ika-12 ng Mayo – lumahok ang ating panlaban na sina Frederick Ramirez, Umajesty Williams, Joyme Sequita at Michael Carlo del Prado.

“I know he was coming, I know my competition, he was very strong. I knew I wasn’t get away with it easily. But I’m happy and blessed, that we won the gold for the PH,” pahayag ni William.

Sa pagsimula ng kakera pinangunahan na agad ang mga Pinoy sa pamumuno ng labanan.

Umalagwa nang husto ang mga ating kababayan sa pangalawang pasahan ng baton bumida sa Prado, nagpamalas ito nang mahusay na pagtakbo dahilan upang maglagay ng malaking agwat sa distansya.

Sa huling sagupaan ng paligsahan, naging matindi ang tensyon ng labanan nang dahil sa miscommunication ng Thailand team ginamit naman ito ni William upang manguna.

Ngunit, hindi naman nagpahuli si Ruamchok Semanthong ng kabilang panig kaniyang pinaliit nito ang layo sa 30 metro, hangang nanging 10 metro na lamang.

Dagundong ng stadyum ang maririnig, sapagkat nalilito na ang lahat kung sino nga ba ang mananaig, sa huling hudyat ibinuhos na ni William ang lahat at nakapa ang inaasam na gintong medalya.

Sa puno’t dulo ay nanaig ang atletang pinoy, kanilang pinatunayan na hindi lahat ay mananatiling mahina at maaaring gumaling pa.

Muling aarangkada ang Philippine Athletics Team sa nararating na Asian Championship.