KRIMEN SA CYBERSPACE
7 sa 10 kabataan, biktima ng cybercrime; RA 10175, pinaigting
Isinulat ni AGHAM | BALITA

MATAAS NA BILANG. Nanatiling matataas ang bilang ng mga kabataang nagiging biktima ng cybercrime, kung kayat pinapaigting ang panukalang batas na RA 10175 na magsisilbing sandata laban sa cybercrime. Kuha ni Ingles
PAHAPYAW NA DETALYE:
- Ayon sa ulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na bumaba ng 38 porsyento ang kabuuang kaso ng cybercrime sa bansa nitong 2025.
- Iginiit ng abogado na pito pa rin sa bawat sampung kabataan ang nagiging biktima nito.
- Ibinahagi din ni Atty. Dela Cerna ang kaniyang naging karanasan, bilang biktima ng cybercrime.
SURALLAH, South Cotabato — Pitumpung porsyento ng kabataan ang nakararanas ng cybercrime, ayon sa isang datos na ibinahagi ng isang abogado , at binigyang-diin niya ang kahalagahn ng Republic Act 10175, bilang tugon ng pamahalaan sa lumalalang bilang ng mga biktima ng cybercrime.
Sa isinagawang press briefing bilang bahagi ng 2026 Regionals Schools Press Conference, ipinunto ni Attorney Gilbert M. Dela Cerna, na ang batas na ito ay bagamat matagal na, ay nanantiling mahalaga lalo na sa panahon ng digital age.
Sa kabila ng ulat ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na bumaba ng 38 porsyento ang kabuuang kaso ng cybercrime sa bansa nitong 2025, iginiit ng abogado na pito pa rin sa bawat sampung kabataan ang nagiging biktima nito.
“Technology has many uses, and can also be use abuse, by insulting others online, spreading fake news, steal someone’s information or identity and others,” saad ni Atty. Dela Cerna.

Binigyang diin ni Atty. Dela Cerna na, mabilis ang paglawak ng paggamit ng teknolohiya, ngunit kasabay nito ang pagdami ng mga pang-aabusong online tulad ng cyberbullying, online libel, hacking, at identity theft.
Magbasa pa: https://newsbytes.ph/2025/12/13/dict-cybercrime-cases-fell-38-in-2025-online-libel-tops-list/
MAGING ABOGADO, HINDI LIGTAS
Ibinahagi din ni Atty. Dela Cerna ang kaniyang naging karanasan, bilang biktima ng cybercrime.
“Ako din personally naging victim din nito, may ibang gumawa ng account ginamit yung picture ko, yung pangalan ko, so ginawa ko ini-report ko, para ma shut down yung account na yun,” pagbabahagi niya.

Ayon sa kaniya, maaring maganda o di naman kaya ay masama ang dahilan ng ganitong mga gawin.
“In my case, siguro good naman yung intention niya, baka may student na talagang gi admire ako, kaya ganun, but still its part of identity thief,” wika niya.
BATAS AT HUSTISYA
Ipinaalala din niya na sa ilalim ng RA 10175, may kapangyarihang umaksyon at mag-imbestiga ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Philippine National Police (PNP) Cybercrime Group upang panagutin ang mga lumalabag sa batas.
Nagbabala rin siya na ang anumang maling digital behavior ay maaaring mag-iwan ng permanenteng marka sa kanilang digital footprint na posibleng makasira sa kanilang mga oportunidad at kinabukasan.
Hinimok din niya ang mga paaralan at komunidad na palakasin ang awareness campaign upang turuan ang kabataan ng responsableng paggamit at pag-iingat sa kanilang digital footprint.
Magbasa pa: RA10175
RA 10175 NANATILING PANGUNAHING SANDATA, KONTRA CYBERCRIME
Nananatiling pangunahing sandata ng Pilipinas ang Republic Act 10175 ngayong 2026 laban sa tumataas na kaso ng cyber libel at fake news.
Matatandaang nitong Pebrero 2026, pinaigting ng NBI at PNP ang pagpaparusa sa mga nagkakalat ng malisyosong impormasyon online.
Binibigyang-diin ng operasyong ito na ang kalayaan sa pagpapahayag ay may kaakibat na pananagutan, lalo na sa pagsugpo sa disimpormasyon na laganap sa social media.
Sa kabila ng 7.2% na pagtaas ng cybercrime at halos, isinusulong na ang mga amiyenda sa batas upang mas mapalakas ang proteksyon laban sa mga bagong uri ng online scams, layunin nito na gawing mas ligtas ang digital na espasyo para sa lahat ng mga Pilipino.
Magabasa pa:https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2024/11/11/2399183/biktima-ng-cybercrimes-abot-sa-record-high-sws
